Lessons from the Field: Katrina Joyce S. Jose

  • Date: 23 Jun 2026 | 10:00 AM - 11:30 AM
LESSONS FROM THE FIELD
23 June 2026 | Tuesday | 10:00 AM
Palma Hall Rm. 428
Katrina Joyce S. Jose
Teaching Associate
Everyone is invited to join “Lessons from the Field,” featuring Teaching Associate Katrina Joyce S. Jose. Below is the abstract of the talk:
Sa presentasyong ito ibabahagi ang mga karanasan sa pagsasagawa ng field work bilang isang mag-aaral ng linggwistiks, partikular sa Lingg 225 na ginanap noong Hulyo 2024 sa Manticao, Misamis Oriental kung saan Bisaya (ISO 639-3 [ceb]) ang wikang ginagamit ng karamihan. Tatalakayin dito ang mga mahahalagang dapat isaisip at dapat iwasan bago, habang, at pagkatapos isagawa ang pag-aaral sa komunidad, partikular sa konteksto ng ating multilinggwal na bansa na binubuo ng iba’t ibang ethnolinggwistikong grupo. Bahagi rin nito ang mga kagawian at (tamang) pakikisalamuha ng isang mananaliksik sa mga miyembro ng komunidad na kanilang bibisitahin. Isa pang paksa na bibigyang-diin ang patuloy na kahalagahan ng field work sa panahong ito kung kailan posible na ang pakikipanayam at pangangalap ng datos online. Pag-uusapan din ang iba’t ibang metodo ng pangangalap ng datos na maaaring gamitin ng mga mananaliksik sa kanilang field work.
Sa kabuuan, inaasahang makakatulong ang presentasyong ito upang maihanda ang mga mag-aaral ng linggwistiks para sa kani-kanilang fieldwork na isasagawa.
This event is free and open to the public.