[CSSP Month 2026] Pagsusuri sa mga toponima ng Marinduque at ilang mga pagninilay sa interdisciplinarity
- Date: 23 Oct 2026 | 3:00 PM - 5:00 PM
The UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), through the Department of Linguistics and the Departamento ng Kasaysayan, present “Pagsusuri sa mga toponima ng Marinduque at ilang mga pagninilay sa interdisciplinarity” as part of the CSSP Month 2026 celebration.
—
[CSSP Month 2026]
PAGSUSURI SA MGA TOPONIMA NG MARINDUQUE AT ILANG MGA PAGNINILAY SA INTERDISCIPLINARITY
23 October 2026 | Friday | 03:00 PM
Pilar Herrera Lecture Hall
SPEAKERS
Vincent Christopher A. Santiago
Assistant Professor, UP Department of Linguistics
Emmanuel Jayson V. Bolata
Assistant Professor, UP Department of Linguistics
ABSTRACT
lalahad ng aming presentasyon ang pinagmulan at mga kategorya ng ilang mga toponima sa Lalawigan ng Marinduque. Ang mga toponima (pangalan ng lugar) ng mismong lalawigan, mga munisipalidad nito, at ng mga barangay ay kinatalogo, binigyang-klasipikasyon, at sinuri ang pinagmulan sa pamamagitan ng mga teknik ng singkronik at dayakronik na Linggwistiks, kasaysayang lokal, at eksaminasyon ng mga batis pangkasaysayan.
Lumalabas na ang mga toponima ay maaaring maiuri sa mga sumusunod na sampung (10) kategorya: PAGLALARAWANG PISIKAL, HALAMAN, HAYOP, TAO, PANGYAYARING LOKAL O NASYONAL, KATEGORYANG HEO-POLITIKAL, KATANGIANG PANTAO, BAGAY, KONSEPTO, at AKTIBIDAD batay sa mga inilatag na kategorya sa mga publikasyon nina Jocano (1965), Medina (1992), Lesho at Sippola (2018), at Martynenko at Chesnokova (2019).
May pahiwatig din ang mga toponima ng lalawigan sa pinagdaanang kasaysayang linggwistik ng pook, sapagkat may mga elemento ang mga toponimang ito na maiuugat sa mga wikang Bikol at wikang Bisayan, sa kabila ng pagsasalita ng mga Marinduqueño ng wikang Tagalog sa kasalukuyan.
Sa buong proseso ng pagkalap ng datos, pagsusuri rito, at sa pagkakalathala ng artikulo (Santiago & Bolata, 2022), nais din naming maghapag ng ilan sa aming mga pagninilay tungkol sa mga kinabibilangang disiplina at ang mga maaaring matutuhan mula sa isa’t isa.
—
This lecture is free and open to the public.