Kolibugan | Philippine Indigenous Languages Lecture Series

  • Date: 18 Jan 2023 | 2:00 PM - 3:00 PM

 

In celebration of the centennial founding anniversary of the UP Department of Linguistics, and in solidarity with the International Decade of Indigenous Languages, we will be holding a year-long series of public lectures on recent studies on different Philippine languages dubbed, “Philippine Indigenous Languages Lecture Series” or PILLS.

 
The first installment of PILLS will be presented by Danilyn T. Abingosa, PhD.
 
In her lecture, Abingosa will talk about the verbal affix of Kolibugan, a language spoken by ethnolinguistic groups residing in the Zamboanga Peninsula.
 
The virtual lecture will be held on 18 January 2023 (Wednesday) at 2:00 PM and will be streamed live on our Facebook page: UP Department of Linguistics and Youtube channel.
 
This lecture is free and open to the public.
 
ABSTRACT:
 
Isa sa mga etnolinggwistikong grupong naninirahan sa Zamboanga Peninsula ay ang mga Kalibugan. Sila ay nagmula sa pangkat ng mga Subanen at iba’t ibang grupo ng Moro na maaaring bunga ng pag-aasawahan ng Subanen at Moro o kaya’y Subanen na nagbalik-Islam (Esteban, 2002). Tinatawag na Kolibugan ang kanilang wika. Ayon sa ulat nina Eberhard, Simons at Fennig (2022), ang Kolibugan ay tinatawag ding Calibugan, Kalibugan at Subanon, Kolibugan. Ang Kolibugan ay naiulat na may pagkakatulad sa Western Subanon. Upang higit na maunawaan ang istruktura ng Kolibugan, isinagawa ang pag-aaral na ito. Nilalayon ng papel na ito na matalakay ang mga verbal afiks na ginagamit sa wikang Kolibugan sa pagfokus ng isang partikular na role. Ang mga datos na ginamit sa pag-aaral ay mga primary data na nalikom mula sa isinagawang fildwurk sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.
 
Natuklasan sa pag-aaral na ginagamit ang mga afiks na -um-, mog-, mo-, moN-, at m- sa pagpapahayag ng fokus sa agent. Ginagamit naman ang afiks na -on1 at -an1 sa pagpapahayag ng fokus sa patient habang ang afiks na -an2 ay ginagamit upang magpahayag ng fokus sa beneficiary. Ang mga afiks na pog- at poN- ay ginagamit sa pagpapahayag ng fokus sa instrumento at ang afiks na -on2 ay ginagamit upang magpahayag ng fokus sa theme.