Lexicon Unpacked: Sakít
- Date: 15 Nov 2022 | 10:00 AM - 11:30 AM
Kaalinsabay ng pagdiriwang ng sentenaryo ng UP Departamento ng Linggwistiks, malugod namin kayong inaanyayahang tunghayan ang, “Lexicon Unpacked: Sakít,” tampok sina Mary Dianne O. Jamindang at Michael Manahan. Ito ay gaganapin online sa 15 Nobyembre 2022 (Martes), 10-11:30 a.m. PHT, sa aming opisyal na Facebook page at YouTube channel.
Ang pinakabagong installment ng Lexicon Unpacked ay hihimay sa konsepto ng sakít na sumasalamin sa indibidwal at panlipunang karanasan nito sa konteksto ng Pilipinas. Ang temang itinatampok sa webinar na ito ay paglingon din sa isa sa mga haligi ng pag-aaral sa wika, kultura, at lipunang Pilipino, si Dekano Consuelo Paz (awtor ng Ginhawa, Kapalaran, Dalamhati; Gabay sa Fildwurk; Ang Pag-aaral ng Wika; at iba pa).
Para sa karagdagang detalye, maaaring mag-email sa linguistics.upd.edu.ph