Pasinati: Batayang Pagsasanay sa Leksikograpiya

  • Date: 18 Feb 2023 | 9:00 AM - 5:00 PM
  • Venue: Zoom

Sa patuloy na pagsusulong sa Patakarang Pangwika ng UP para sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, publikasyon, at opisyal na komunikasyon, binubuksan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) ang rehistrasyon para sa panibagong Pasinatì: Palihan sa Wika, Teorya, at Metodolohiya na “Batayang Pagsasanay sa Leksikograpiya para sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.” Gaganapin ito sa 18 Pebrero 2023 (Sabado) 9:00 nu – 5:00 nh sa pamamagitan ng Zoom.

Ang isang buong araw na palihan ay magbibigay ng panimulang kaalaman at batayang kasanayan sa mga kalahok sa pagdidisenyo ng diksiyonaryo, kadikit ang akmang pagsulat ng kahulugan ng mga salita/entri o dictionary article. Inaasahang magbubunsod ito interes sapagbuo ng panimulang glosari/diksiyonaryo sa Filipino para sa iba’t ibang larang.

Para sa mga interesadong lumahok sa pagsasanay, magpatala lamang sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code o pag-akses sa link <bit.ly/pasinati>. Limitado lamang ang slot ng workshop para matiyak na produktibo ang palihan. Antabayanan ang paanyaya sa inyong email para sa mga mapipiling kalahok.


MAHALAGANG PABATID KAUGNAY NG PASINATÌ:
Sarado na ang rehistrasyon dahil lagpas na sa inaasahang bilang ng kalahok ang aming nakuha. Makatatanggap ng e-mail ang lahat ng nagpatala na nagpapabatid kung kayo ay nakasama o hindi nakasama sa pinal na listahan ng mga kalahok. Sadyang nilimitahan ang bilang ng kalahok upang tiyak na magabayan ang lahat sa gagawing palihan.
May mga kasunod pang Pasinatì na maaari ninyong daluhan. Antabayanan lamang ang aming mga pabatid.