Porohanon [prh] | Philippine Indigenous Languages Lecture Series

  • Date: 20 May 2025 | 1:00 PM - 2:30 PM
Tangkang Paglalapat ng Ilang Kontemporanyong Teoryang Panggramatika sa Porohanon
Philippine Indigenous Languages Lecture Series (PILLS)
20 May | Tuesday | 1:00 PM
CSSP Health & Wellness Center

The fifth installment of the 2025 Philippine Indigenous Languages Lecture Series (PILLS) will be on Porohanon [prh], a language spoken on the Camotes Islands in Cebu.

ABSTRACT

Ang papel na ito ay munting demonstrasyon sa paggamit ng ilang kontemporanyong teorya sa pagsusuri ng morposintaks ng Porohanon, isang wikang primaryang sinasalita sa Munisipyo ng Poro, mga Isla ng Camotes, Lalawigan ng Cebu. Sa pagsasabing “kontemporanyo”, isinaalang-alang ko ang pagkakalimbag ng mga importanteng publikasyon (lalo na ng mga orihinal na nag-isip ng mga teorya) at pagkakaorganisa ng mga regular na kumperensiyang nakatutok sa mga teoryang ito sa nakalipas na sampung taon. Tatalakayin ko ang Lexical-Functional Grammar (LFG) nina Joan Bresnan at Ronald M. Kaplan, ang Cognitive Grammar ni Ronald W. Langacker, ang Radical Construction Grammar (RCG) ni William Croft, at ang Role & Reference Grammar (RRG) nina Robert Van Valin, Jr. at William A. Foley. Sa aking pagtataya, malaki ang potensiyal ng mga naturang teoryang mapalitaw ang pagkanatatangi ng Porohanon kasabay ng pagtatampok ng mga pagkakatulad nito sa iba pang mga wikang Bisayan at wikang Pilipinas. Sa huli, maghahapag ako ng ilang mga personal na pagmumuni tungkol sa maaaring (at ‘di maaaring) maitulong sa atin ng mahigpit na pagsunod sa mga teorya sa pagpapatuloy ng gawain ng paglalarawan sa mga gramatika ng ating mga wika.
This event is free and open to the public.