Instructor Noah Cruz has published his paper, “Malalimang Pagtalakay sa Dalawang Pangunahing Lápit sa Pagtatása sa Sigla ng mga Wika sa Pilipinas,” in the Daluyan journal of the Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman.
Below is the abstract of the work:
Malalimang Pagtalakay sa Dalawang Pangunahing Lápit
sa Pagtatása sa Sigla ng mga Wika sa Pilipinas
Kakambal nang maituturing ng diskurso tungkol sa pagiging multilingguwal ng Pilipinas ang usapin ng panganganib ng mga wika sa bansa. Paulit-ulit na maririnig na batay sa mga sensus pangwika (e.g., Eberhard et al.; Headland), parami na nang parami ang mga nanganganib na katutubong wika sa bansa at ang iba ay nása bingit na nang tuluyang pagkawala. Ang ganitong mga pagtatáya ay walang-pag-aalinlangang tinatanggap ng marami, at tíla nakakalimutan nang busisiin ang sistemang sinunod upang maabot ang mga pagtatáyang ito. Layunin ng kasalukuyang pananaliksik na siyasatin ang dalawang lápit na pinakamalimit na ginagamit sa pagtatása sa sigla ng mga wika sa bansa, i.e., Language Vitality and Endangerment (LVE) ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at Expanded Graded Intergenerational Disruption Scale (EGIDS) nina Gary Simons at Paul Lewis. Sa papel na ito ay ipinakita ang isang malalimang pagbalangkas sa kabuuang sistema ng dalawang lápit–pagbalangkas na makatutulong sa pagpapakahulugan sa mga datos na lumalabas hinggil sa estado ng mga wika sa Pilipinas at sa pag-unawa sa kung paano nahuhubog ang diskurso ng panganganib pangwika (language endangerment) sa bansa. Bukod dito, inilahad din sa pananaliksik ang ilang kritikal na suri tungkol sa iba’t ibang aspekto ng LVE at EGIDS. Mithiin ng papel na magsilbing gabay sa pagtitimbang sa kaangkupan ng mga lápit sa konteksto ng mga wika sa Pilipinas, na sa hinaharap ay inaasahan namang makatutulong sa pagbuo ng sistemang ganap na makagagap sa natatanging sitwasyon ng mga wika, diyalekto, at komunidad pangwika (speech community) sa bansa.
The paper is part of Cruz’s master’s thesis, which he has also successfully defended last month. It is partially funded by the OVCRD Thesis and Dissertation Grant.
His publication can be read and downloaded here.
Published by UP Department of Linguistics