Magsisilbing Tagapagsalita si Kat. Prop. Francisco Rosario Jr. sa Ika-4 na Salintasan: Forum sa Pagsasaling Filipino 2024 sa ika-2 ng Mayo. Ang forum, na may temang “Mga Epekto ng Teknolohiya at Artificial Intelligence sa Paglikha, Pagsusuri, Pagtuturo, at Pangangasiwa ng Salin” ay inorganisa ng Sentro sa Salin at Araling Salin, Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST). 

Gaganapin ang programa mula 1:00 hanggang 5:00 n.h. sa Lourdes J. Custodio Multipurpose Room, Albretus Magnus Building ng UST. Libreng mapapanoood ang recording ng forum sa Facebook page ng UST Sentro sa Salin at Araling Salin at UST Departamento ng Filipino. 

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang <https://www.facebook.com/USTSentroSalin/posts/pfbid0292McR6XNUTjYtwdTGSxZ94p7voXEwU9z2ca1ngjd71Fx2nZ4c7UWoCsLQ847HYdal>.

Published by UP Department of Linguistics