The Archive Special Publication No. 19 (2024)

Buhay na/ng Wika: Ang Departamento ng Linggwistiks at Usapin ng Filipino bilang Wikang Pambansa

Abstract

Tunay na naging masalimuot ang mga talakayan hinggil sa pagdalumat, pag-iral, at kahihinatnan ng Filipino: una, bilang wikang pambansa at patakarang pangwika na ipinatupad sa isang bansang multilingguwal; at pangalawa at kapwa-mahalaga, bilang isang wikang masasabing lehitimo sang-ayon sa iba’t ibang akademiko at politikal na pamantayan. Ang papel na ito, kung gayon, ay nagtatangkang mag-ambag sa diskursong ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga naging pag-unlad ng Filipino bilang disiplina, espesyalisasyon ng linggwistiks at bilang aralin sa wika. Tatalakayin ang kasaysayan at paglinang nito bilang isang wikang pambansa at ang naging papel ng dalawang institusyon, ang Departamento ng Linggwistiks at Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas, sa pagtaguyod at pagsulong sa wikang Filipino bilang asignatura at bilang larangan.

Author:

Mary Ann G. Bacolod, Ma. Althea T. Enriquez, Jem R. Javier, April J. Perez, Francisco C. Rosario, Jr., at Jurekah Chene S. Abrigo

Publication year:

2024

Keywords:

Filipino, Wikang Pambansa, Filipino bilang Asignatura, Filipino bilang Larangan





To get a copy of the article, you may visit the UP Diliman Journals Online website <https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/archive/index>. Alternatively, you may email the editorial team at <thearchive.upd@up.edu.ph>