English Title: The Morphosyntax of Noun Phrases in Biri-Waray
Ang Biri-Waray ay sinasalita sa itaas na bahagi ng Northern Samar partikular sa munisipalidad ng Biri, Northern Samar. Kabilang ito sa mga dayalekto ng Waray-Nortehanon. Malinaw ang malaking epekto ng heyograpikal na lokasyon ng Biri-Waray sa mga mananalita na may halong Bikol-Waray at may baryasyong Waray-Nortehanon. Ang mga naninirahan na malapit at malimit ang transportasyon sa Waray-Nortehanon ay nagsasalita ng Waray-Nortehanon. At ang mga mananalita naman na madalas ang contact sa mga bayan ng Southern Bicol (Gubat, Matnog at Sorsogon) ay nagsasalita ng Bikol-Waray. Halimbawa dito ay ang salitang waraq ‘wala’ ng South Sorsogon (McFarland, p.318). Ang mga mananalita ng Biri-Waray na nakaharap sa South Sorsogon ay gumagamit ng wáras na wáray naman sa mga mananalita na mas malapit sa Waray-Nortehanon. Ang numeral na sayuq ‘isa’ ng South Sorsogon ay sáyuq rin sa karamihang mananalita ng Biri-Waray na qúsa naman sa mga mananalita na mas malapit sa Waray-Nortehanon. Ang third person na singular siya ‘siya’ ng South Sorsogon ay siya rin sa mga mananalita na nakaharap sa South Sorsogon samantalang hiya naman para sa mga mananalita na malimit sa Waray-Nortehanon.
Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng isang komprehensibong istruktura ng gramatika na nakatuon sa katangian ng Nawn Preys (NP). Binubuo ng limang (5) bagage ang pag-aaral na ito. Sa Tsapter 1, inilalahad ang wikang Biri-Waray bilang fokus ng pag-aaral, layunin at kahalaghan ng pag-aaral, metodoloji, rebyu ng literatuur, at teyoretikal freymwork. Sa pamamagitan ng muling pagrepaso sa mga kaugnay na literetyur, nagabayan ang kasalukuyang pagsusuri na mailahad ang gazap na analisis sa NP ng Biri-Waray. Sa Tsapter II inilalahad ang morfoloji ng awn sa Biri-Waray. Sa Tsapter III inilahad ang iba’t iban istruktura ng NP. Ang katangian ng NP sa pamamagitan ng pagsusuri sa gameet dito sa istruktura sa Biri-Waray ay makikita sa Tsapter IV. Ang konklusyon, implikasyon, at rekomendasyon sa naging pagsusuri ay makikita naman sa Tsapter V.
Sa pangkalahatan, inilalahad ng pagsusuring ito hindi lamang sa simpleng pagtanaw sa katangian ng tungkulin ng NP sa konstruksyon ng pangungusap, mayroong malalim na pagsusuri sa pagkakaugnay ng mga elemento ng gramatika sa istruktura.
- Author: Gina Bernaldez-Araojo
- Adviser: Mary Ann G. Bacolod, PhD
- Year: 2023
- Language/s: Biri-Waray