Congratulations to MA Ling alum Precious Sarah A. Añoso on the publication of her article titled “Ang dayalekto ng Tagalog sa Roxas, Oriental Mindoro: Epekto ng language contact” in the Social Science Diliman journal! The article is based on her MA thesis “Ang mga Dayalekto ng Tagalog sa Batangas at Oriental Mindoro,” which she wrote under the supervision of Prof. Jesus Federico Hernandez. Below is the abstract of the journal article:
Ang dayalekto ng Tagalog sa Roxas, Oriental Mindoro: Epekto ng language contact
(The dialect of Tagalog in Roxas, Oriental Mindoro: Effect of language contact)
Maraming iba’t ibang wika ang sinasalita sa lalawigan ng Oriental Mindoro (OrMdo)—Tagalog, mga wikang Mangyan, at maging mga wikang mula sa mga karatig-lalawigan na matagal nang may interaksiyon dito dala ng mga gawaing pangkalakalan, transportasyon, at migrasyon. Gamit ang proseso ng dayalektolohiya, itinatatag sa pag-aaral na ito ang Tagalog-Roxas bilang isang hiwalay na dayalekto ng Tagalog kumpara sa dayalektong sinasalita sa ibang bahagi ng lalawigan batay sa leksikon nito. Sa pagsasarbey sa 14 na bayan at isang lungsod sa OrMdo, 124 na salita o 25.5 bahagdan ng kabuuang datos na 485 ang natukoy na natatangi sa Roxas. Lumilikha ang mga ito ng bundle o grupo ng mga isogloss na naghihiwalay sa Roxas mula sa kabuuan ng lalawigan sa mga dialect map na binuo para sa pag-aaral. Kinikilala ang kaibahang ito bilang epekto ng contact o interaksyon ng TagalogRoxas sa ilang mga wika, lalo pa at maituturing itong isang pook-daungan na nagkokonekta sa OrMdo sa iba’t ibang mga bahagi ng bansa. Bilang preliminaryong patunay, inihambing ang mga naiibang salita sa mga katumbas nito sa mga wikang Hanunuo, Bantoanon, Onhan, Romblomanon, at Aklanon mula sa mga sekundaryang datos. Mula sa 124 salita, 19 o 15.3 bahagdan ang may kapareho o cognate na katumbas sa Hanunuo, 61 o 49.2 bahagdan sa Bantoanon, 83 o 66.9 bahagdan sa Onhan, 85 o 68.5 bahagdan sa Romblomanon, at 103 o 83.1 bahagdan sa Aklanon. Ipinapahiwatig ng mga datos na ito ang impluwensya ng mga nasabing wika sa Tagalog-Roxas dala ng kanilang magkakaibang antas ng interaksyon. Dahil leksikon lamang ang pinagbatayan ng kaibahan ng Tagalog-Roxas bilang isang hiwalay na dayalekto, iminumungkahi ang paghahambing nito sa Tagalog ng OrMdo at sa mga wikang may interaksyon dito batay sa iba pang antas na maaaring kumilala rito bilang isang dayalekto gaya ng mga tunog at morpolohiya.
Precious is currently an assistant professor at the University of the Philippines Los Baños Department of Humanities Language Division.
To read and download the article, visit the Social Science Diliman journal website.
Published by UP Department of Linguistics