Inst. Vincent Christopher Santiago recently published his article titled, “Isang Multi-criterial na Pag-iiba ng Pangngalan at Pandiwa sa Romblomanon/Ini,” at the Philippine Social Sciences Review. 

Below is the abstract of Santiago’s paper:

bookmark

Isang Multi-criterial na Pag-iiba ng Pangngalan at Pandiwa sa Romblomanon/Ini

Inihaharap ng papel ang isang multi-criterial na pag-iiba ng mga sintaktikong kategoryang pangngalan (noun) at pandiwa (verb) sa Romblomanon/Ini. Malaon nang pinroblematisa ang mga sintaktikong kategorya sa mga wikang Pilipinas (WP) o kung mayroon nga bang mga ito. Para sa ilang lingguwista, ang tila napakalayang distribusyon ng mga salita sa anumang sintaktikong posisyon ay ebidensya laban sa pagkakategorisa ng mga salita sa mga WP. Ngunit kung titingnan ang a.) mga pantukoy na si, ni, kay at ang kanilang gamit at distribusyon, b.) mga negation pattern sa iba’t ibang mga konstruksyon, at c.) frequency ng mga praseng (phrase) kinaiiralan ng mga pandiwa sa posisyong pang-argumento at ang mga partikular na komunikatibong pangangailangang sinasagot ng mga ganitong uri ng konstruksyon, makikitang pinag-iiba pa rin ng Romblomanon/Ini ang pangngalan at pandiwa bilang mga sintaktikong kategorya at hindi ganoon “kalaya” ang kanilang pag-iral sa iba’t ibang sintaktikong posisyon.

The paper can be read and downloaded here

Published by UP Department of Linguistics