The Katig Collective Statement

According to Ethnologue (2022), of the 175 indigenous languages ​​of the Philippines, 35 are considered endangered (31 threatened, 4 shifting), 11 are on the brink of extinction (5 moribund, 5 nearly extinct, 1 dormant), and two are extinct.

It is often thought that a language is “endangered” if the number of speakers continuously declines. A language is also endangered if the younger generation chooses to shift to using a dominant or more prestigious language.

The language endangerment narrative in the Philippines is often reduced to an issue of one language against another. Many fail to recognize that this issue is actually comprised of intersecting discourses and intertwined experiences rooted in societal oppression and persecution. Many do not realize that the problem stems from intermingled causes such as our multi-colonial experiences, political and social linguicide, displacement, and extreme poverty. The overall system that promotes inequality and social injustice continues to interfere with the ways of life and rights of many ethnolinguistic groups, including the liberty to use their languages.

It must be emphasized that language is a conduit of a group’s history, experience, and identity. It serves as a voice conveying a variety of information and messages, including the pressing concerns faced by ethnolinguistic groups. Although a lot has already been written and said about the endangerment of languages through studies that focus on language documentation and revitalization, it is also necessary to be aware of the overall situation of the communities.

Hence, we call on everyone to stand with indigenous communities in defending their rights, especially during a time of rampant suppression and persecution. It is our duty to be involved in conversations regarding land, security, freedom, identity, and language rights.

Through this introductory project, we aim not only to share information about some languages ​​that are in critical condition but also to gather news about the condition and struggles of indigenous peoples.

Ethnolinguistic groups possess their own voices. They have full knowledge on what they desire to express and expose. Aside from listening, anyone can get involved by echoing the sentiments of their calls. Making occasional noise is not enough; it takes a full and united voice to call the attention of the majority and of those in power.


PAHAYAG

Batay sa tala ng Ethnologue (2022), sa 175 katutubong wika ng Pilipinas, 35 ang itinuturing na nanganganib (31 threatened, 4 shifting), 11 ang nasa bingit ng pagkawala (5 moribund, 5 nearly extinct, 1 dormant), at dalawa ang extinct.

Madalas nauuwi ang usapan at naratibo tungkol sa mga nanganganib na wika sa Pilipinas sa isang wika laban sa isa. Subalit ang usapin tungkol sa panganganib ng mga wika ay higit sa kuwentong ito. Masalimuot itong usapin na binubuo ng mga kawing-kawing, sala-salabat, at patong-patong na mga dahilan at mga danas na nakaugat sa opresyon at pang-aapi sa loob ng isang lipunang matingkad ang di pagkakapantay-pantay. Nakaugat ito sa multikolonyal na karanasan, at politikal at panlipunang salik katulad ng displacement at matinding kahirapan. Hindi man mga wika ang direktang pinipinsala ng mga ito, ang kabuuang sistema na siyang nagpapalaganap ng di pagkakapantay-pantay at inhustisya ang patuloy na gumagambala sa maraming pangkat at sa kanilang mga karapatan, kabilang na ang layang itanyag ang kanilang mga wika.

Sa patuloy na pagsasantabi sa mga isyung kinakaharap ng mga etnolinggwistikong pangkat, maaaring hindi namamalayan na apektado rin ang kultura at wikang kanilang pinangangalagaan at isinasabuhay. Ang mga wikang ito ay tagapagpadaloy ng kasaysayan, danas, at pagkakakilanlan ng mga pangkat. Ito ay tinig na nagpaparating ng samu’t saring impormasyon at mensahe para sa mga nais makinig at makialam.

Bagamat may mga naisulat at nasabi na tungkol sa panganganib ng mga wika tulad ng mga pag-aaral na nakatuon sa language documentation at revitalization, hindi ito sapat para muling mapasigla ang ating mga wika. Kinakailangan din nating patuloy na tutukan ang kabuuang kalagayan ng mga grupong nagsasalita ng mga ito.

Hinihikayat namin kayo na sumama upang manindigan para sa mga karapatan ng mga etnolinggwistikong grupong patuloy na pinatatahimik, lantaran man o hindi, ng mga pwersang mapang-api. Tungkulin nating makisangkot sa mga usapin tungkol sa kanilang karapatan sa lupa, seguridad, kalayaan, identidad, at wika.

Sa pamamagitan ng isang maliit na panimulang proyekto, layon naming magbahagi hindi lamang ng impormasyon tungkol sa ilang mga wika na nasa kritikal na kalagayan, kundi pati rin ng mga nakalap na balita tungkol sa mga pinagdadaanan ng ilang mga etnolinggwistikong grupo.

Nagtataglay ng sariling boses ang mga etnolinggwistikong pangkat. Malinaw sa kanila kung ano ang mga daing na nais nilang iparinig at ipaintindi. Maliban sa pakikinig, maaaring makibahagi ang sinuman sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kanilang panawagan. Hindi sapat ang panaka-nakang ingay; kinakailangan ang buo at nagkakaisang tinig upang tawagin ang pansin ng nakararami at ng kinauukulan.